Wednesday, October 19, 2011

Bagong Bayani..

Here i am again sitting in my my chair facing my computer..Isa na namang idea ang pumasok sa isip at pagkatapos ng ilang buwan kong pananahimik ay natagpuan ko ang sarili kong nagsusulat ng mga bagay na ngyayari sa buhay ko.. I am a happy person..I find myself always happy in everything, everywhere, anytime and to everyone. No one knows na i'm a deeper person inside and so blogging is what i'm doing to write what is here inside of me kasi maninibago sila sa akin at baka sabihin nila "Carlo ikaw ba yan?"..kaya i prefer to write and let other person read what is inside of me...
And now,,that i am now a PRIDE of my country..isa na akong BAYANI sa puso, sa kilos at gawa..mas naging malalim ang pagtingin ko sa sarili ko...Hindi ko masasabing mahirap maging OFW...dalawang lingo pa lng ako dito sa Riyadh..Hindi ko pa nararanasan ang lahat ng mga pwedeng mangyari sa isang OFW...Kapag OFW ka..dalawa ang iisipin mo..Kung nasan k ngayon at Kung ano ang nangyayari sa mga naiwanan mo..Ang paggigigng OFW ay hindi kasing dali ng pagbyahe mo ng MANILA to MINDANAO...Kung may nangyari sa pamilya mo sa Pilipinas, Kung may mahalagang okasyon na sana ay nandoon at kung may mga pagkakataon na minsan lng mangyari sa buhay mo o sa buhay ng ibang tao na dapat sana ay naging bahagi ka ay masakit isiping mangyayari ang lahat ng yon na wala ka,,
Napapaligiran ka ng mga taong ibang iba ang uri ng pamumuhay at iba ang pagpapalakad sa buhay nila..sabihin nating nakapagadjust ka na at nakapagadopt ka na pero iba nag pinoy...maiintindihan ka nila sa lahat ng bagay,,,Ang pagpapaliwanag pa lng sa mga superior natin sa mga bagay natin na gusto nating mangyari ay napakahirap nang gawin kasi ginagawa nila ang ibang bagay ng ayun sa gusto nila..They have their own way to execute every situation...pero ikaw ang gumagawa...Di ba napakahirap na ito yung gusto mong mangyari kasi dito ka nadadalian pero ito naman ang gusto nia,,,
Nung nasa Pinas ako kahit pagalit akong utusan ng boss ko ayos lng pero dito napakasimple lang ginawa mong mali eh kakaiba na sa kanila...Di lang naman Pinoy ang nadidiscriminate dito pero masakit isiping tinatapakan na ang pagkatao mo kumita ka lng ng pera para may ipapadala ka sa PINAS at di mo masabi sa mga kamaganak mo na ganito ka tratuhin ng mga tao dito.
Dalawang taon pa ang lilipas at marami pang pwedeng mangyari...Sa kalagayan ko dito..masasabing kong okey pa ako di ko alam sa mga susunod pang mga araw..
May mga tanong lang sa sarili ko...paano ang pasko dito?
Kamusta kaya yung bunso kong kapatid?
Anu kaya ang nilutong ulam ni nanay?
Nanganak na kaya yung aso namin?
Sa loob pa rin siguro ng bahay namin umiihi yung pusa namin....

Umiiyak ako magisa dito,,,namiss ko lahat ng bagay na nakagawian ko ng gawin...Pagbalik ko 27 na ako...may magbabago kaya?Sa barangay namin?siguro marunong na mag-inum ang bunso namin..sana malakas pa ang nanay at tatay ko..makakaipon kaya ako dito?Gusto ko mamasyal kaming lahat habang malakas sila inay at itay..Ayokong gamitin ang pera ko sa pagpapagamot sa kanila..kailangang maiparamdam ko sa kanila na naging sucessful ako at makapunta kami sa lugar kung saan ko gusto na magkakasama kami at masaya kami..SAGOT KO LAHAT.....
Pero blog lang eto eh...Di ko alam anung mangyayari along the way...
Pero sana lang maging makabuluhan ang pagpunta ko dito..