Friday, December 3, 2010

kape at pag ibig

Ang love nga naman…parang kape!!!
Masarap kung mainit, pamawi ng lamig
Dama ang sarap, hanggang sa dibdib.
Minsan matamis, ika’y masisiyahan
Nag-uumapaw ang yong kasiyahan
Minsan masarap yung may halong creamer
Ang pag-ibig ay nagiging wilder
Romantic ang dating pag may surprises
Capuccino, mochaccino, u can never guess
Pero hindi naman lagi kang masasarapan
Tulad ng kape, love ay tumatabang
Nawawala ang aroma, kung nanlalamig
Nawawala ang saya kapag kulang ang pag-ibig.
Minsan mapait, at sobrang tapang
Ang pag-ibig ay sakit sa lalamunan
Kapag ika’y napaso sa sobrang init
Mailuluwa mo dahil sa sakit.
BUWISIT NA PAG-IBIG YAN!!! BAKIT AYAW AKONG TANTANAN???!!!
Bumabalik-balik kahit na ako’y masaktan
Ilang beses ko nang sinabi, na ayaw ko na!

No comments: