Ibig kong marinig
tinig mong pang-aliw
sa musmos kong dibdib
lungkot papawiin
kaibigan kitang tunay
laging dumaramay
anumang magdaan
hindi nag aaway
lagi kang kahati
sa alinmang bagay
pati sa baon kong
dala araw araw
tinig mo'y tinig ko
iisa ang himig
sa habang panahon
laging magkaniig
No comments:
Post a Comment